Kamusta na po Mr. President?
Minamahal naming Presidente Aquino,Kamusta ang target shooting sa Antipolo? Kamusta yung PPSA competitions? Sarap noh? Mabuti pa kayo nakaka baril pa. Kami, mga pangkaraniwang bumabaril, hanggang himas-himas nalang kami ng baril namin. Mula nung nag-umpisa ang term ninyo, sunod-sunod po na regulasyon ni Chief PNP Verzosa, na lalong hinihigpit ang pag lisensya at pagdadal ng baril. Balang araw Mr. President, baka sumali kayo sa PPSA event tapos kayo nalang ang nandun sumipot. Wala na ibang shooter ang makarating.Yung PNP Circular No. 08-2010 ni Gen Verzosa ay epektibong ibinalik ang batas militar sa Pilipinas. Kulang nalang sabihin, isauli namin yung mga licensed guns namin. Bakit? Dahil sa sobrang higpit na at hirap ng pag lilisenya at pagkuha ng permit-to-carry, wala na makapag renew ng license or permit-to-carry. Sa August 18, 2010 meron pang kasunod na pirmahan ang PNP ng mga mas lalong paghigpit sa mga pagmamay-ari at pagdala ng baril. Continue Reading