Kamusta na po Mr. President?

Minamahal naming Presidente Aquino,

Kamusta ang target shooting sa Antipolo? Kamusta yung PPSA competitions? Sarap noh? Mabuti pa kayo nakaka baril pa. Kami, mga pangkaraniwang bumabaril, hanggang himas-himas nalang kami ng baril namin. Mula nung nag-umpisa ang term ninyo, sunod-sunod po na regulasyon ni Chief PNP Verzosa, na lalong hinihigpit ang pag lisensya at pagdadal ng baril. Balang araw Mr. President, baka sumali kayo sa PPSA event tapos kayo nalang ang nandun sumipot. Wala na ibang shooter ang makarating.

Yung PNP Circular No. 08-2010 ni Gen Verzosa ay epektibong ibinalik ang batas militar sa Pilipinas. Kulang nalang sabihin, isauli namin yung mga licensed guns namin. Bakit? Dahil sa sobrang higpit na at hirap ng pag lilisenya at pagkuha ng permit-to-carry, wala na makapag renew ng license or permit-to-carry. Sa August 18, 2010 meron pang kasunod na pirmahan ang PNP ng mga mas lalong paghigpit sa mga pagmamay-ari at pagdala ng baril.

Bakit kami mga lisensyadong gun owners ang laging hinihigpitan pero yung mga terrorista at kriminal hindi natin mahuli-huli? Bakit hanggang ngayon ang dami-daming pinapatay na innocent victims, na hindi madala sa katarungan yung mga kriminal na gumawa ng krimen? Bilang sampal pa sa mukha ng mga biktima ng krimen, wala na nga tulong o proteksyon binibigay ng PNP sabay hindi pa sila pinapayagan na humawak at magdala ng lisensyadong baril para sa pangsariling proteksyon.

Bilang isang bumabaril at nakikilahok sa mga shooting event, kayo po ang sana makaintindi nitong hinanaing namin: sana wag nang payagan pa si PNP Chief “Euro” Verzosa na mag labas ng “midnight gun regulations” na base sa EO 187 na gawa ni Gloria Macapagal Arroyo. Tapos na po ang pag-upo ni Gloria, pinalayas na po namin siya sa eleksyon. Sana naman iba na po din tayo ngayon ng patakaran.

Noong talumpati ninyo sa SONA sinabi ninyo, Mr. President:

“Basta po hindi dehado ang Pilipino, papasukin po natin lahat iyan.

Kailangan na po nating simulan ang pagtutulungan para makamit ito. Huwag nating pahirapan ang isa’t isa.”

 

Mr. President, Kamusta na?

 

Lubos na gumagalang,

 

1.2 million lisensyadong may-ari ng baril na sumoporta at bumoto sa inyo.

Posted in UncategorizedTagged

Related posts

7 responses to “Kamusta na po Mr. President?

  1. Sana po mahal naming pangulo ay magkaroon naman tayo ng risonableng patakaran patungkol sa pagmamay-ari ng baril at sa pagda-dala nito sa labas ng ating mga tahanan. Iwagsi na po natin ang mga mapanikil na patakaran na pinairal ni Heneral Versoza noong panahon ni GMA. Tayo po sana ang magpairal ng mga patakarang nararapat sa ating bayan at hindi ang mga dayuhang samahan pilit na nakikialam sa ating mga gawain kasama na ang mga Pilipinong nagtratraydor sa ating bayan.Sana po ay patigilin na ninyo si Heneral Versoza sa kanyang mga gawaing naninikil sa aming mga tahimik na mamamayan na nagmamayari ng baril. ANO PO BA ANG GINAWA NAMIN PARA PARUSAHAN NIYANG GANITO?

  2. P-Noy has a FaceBook account.  Perhaps it will serve our cause and help spread the word if we post this message to his account

  3. Yung PNP Circular No. 08-2010 ni Gen Verzosa ay epektibong ibinalik ang batas militar sa Pilipinas. Kulang nalang sabihin, isauli namin yung mga licensed guns namin. Bakit? Dahil sa sobrang higpit na at hirap ng pag lilisenya at pagkuha ng permit-to-carry, wala na makapag renew ng license or permit-to-carry. Sa August 18, 2010 meron pang kasunod na pirmahan ang PNP ng mga mas lalong paghigpit sa mga pagmamay-ari at pagdala ng baril.

     

     

    Agreed with the “wala na makapag renew ng license“. sa sobrang daming dadaanan na proceso tatamarin ka na rin mag renew.

  4. I find it hard to believe that the president is not aware of what Gen. Versoza is doing, in all likelihood, the president has reversed his position on the issue of legitimate gun ownership due to both political and international pressure. How else would you explain the current situation, it is impossible for the chief pnp to be able to act in such a manner without the consent of the president. In the end, he is not affected by these draconian policies being instituted by Gen. Versoza, so why should he care, because he is one of us? Do you really think he believes that he’s one of us, that we’re on the same level? He likes to shoot but it doesn’t automatically or necessarily mean that he’s on our side; he’s a shooter yes, but is he a true blue gun advocate? Maraming Pilipino ang may mentalidad na basta puwede sila magdala ng baril o di sila apektado sa mahihigpit na patakaran ay wala na silang pakialam sa iba. Typical parochial mentality.

    Sad to say, I think we have to wake up to the reality that our beloved president has abandoned us. Try asking him now what his stand is regarding the election gun ban, I wouldn’t be surprised if he has totally reversed his position on the issue. In the end, he’s really no different from the others, he’s just a POLITICIAN, no more no less. So in the end, as always, we are on our own.

Want to comment? Post a response on your blog and link back to this article.