Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 31 August 2013
Source: Bombo Radyo
LEGAZPI CITY – Pinaghahanap na ngayon ng mga otoridad ang apat na kalalakihan na tumangay sa umano’y witness sa pagpatay sa isang Japanese national sa Metro Manila, limang taon na ang nakalipas.
Kinilala ang mga biktima na sina Victoria-Lynn Martin y Dugan at Ana Katrina De Leon y Dugan, 27, ng Sto. NiƱo, Bacon, Sorsogon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay S/nsp. Arthur Gomez, tagapagsalita ng Albay Police Provincial Office, sinabi nito na natunton ng mga suspek ang dalawa na umano’y inalis na sa witness protection program ng pamahalaan at palipat-lipat na lamang ng tirahan sa Bicol.
Sa ngayon, hawak ng mga suspek ang isa sa mga biktima na si Ana Katrina habang pinagbantaan naman ang pinsan nitong si Victoria na kung hindi iaatras ang kaso at testimonya nito laban sa isang mataas na opisyal at sa isang PO2 Jerry Santos umano na naka-assign sa Manila Police District 5, ay papatayin nito ang hawak na kaanak.
Sa ngayon, wala pang anumang kumpirmasyon mula sa mga suspek habang patuloy pa ang beripikasyon ng Daraga Municipal Police Station kaugnay ng insidente.