Injured | Killed |
---|---|
1 | 1 |
Date: 17 April 2013
Source: Bombo Radyo
LEGAZPI CITY – Patay ang isang waiter habang kritikal naman ang kanyang kasamahan sa isang videoke bar sa bayan ng Aroroy, Masbate, matapos itong pagsasaksakin ng hindi nakilalang kustumer.
Natukoy naman ang mga biktima na sina Norman Manlapaz, 22, na agad na binawian ng buhay, habang kritikal at patuloy na ginagamot ang kasamahan nito na si Joshua Noah, 23.
Ayon sa Masbate Police Provincial Office (PPO) ang mga biktima ay nagtatrabaho sa Curbada Bar and Grill sa bayan ng Aroroy at sinubukan lamang umano ng mga ito na ibigay ang listahan ng babayaran sa isang kustumer ngunit walang anu-ano’y bigla na lamang silang pinagsasaksak.
Nagtamo ng matitinding tama sa kanyang katawan si Manlapaz na nagresulta sa agaran nitong pagkamatay.
Sa ngayon patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang kinaroroonan ng hindi pa nakikilalang suspek.