Injured | Killed |
---|---|
0 | 5 |
Date: 30 September 2013
Source: Bombo Radyo
ZAMBOANGA CITY – Limang mga MNLF fighters ang nasawi sa panibagong engkwentro na sumiklab ngayong araw na nagsimula pa kahapon ng umaga.
Kaugnay nito, patuloy pa rin ang panaka-nakang putukan at pagsabog ng mortar mula sa mga lugar kung saan nananatili pa rin ang armadong grupo kasama ang kanilang mga hostage.
Nagsanib puwersa na rin ang tropa ng Army Scout Ranger at Philippine Army kasama din ang Special Action Force (SAF-PNP) habang ipinagpatuloy operasyon laban sa mga MNLF fighters.
May naitala ring limang magkahiwalay na insidente ng sunog sa Barangay Sta. Catalina at Barangay Sta. Catalina.
Tinarget ng tropa ang isang concrete house kanina kung saan naroroon ang mga MNLF rebels.
Inamin ng tropa na pahirapan pa rin ang ilang araw na nilang operasyon sa mga nasabing lugar dahil armado pa rin ang mga ito ng mga matataas na kalibre ng baril at pinasasabugan din sila ng mga mortar.
Siniguro naman ng militar na patuloy nilang tutugisin ang mga natitirang MNLF sa lugar. (MRDS)