Injured | Killed |
---|---|
0 | 4 |
Date: 05 March 2013
Source: Bombo Radyo
MANILA, Philippines – Muling nagsagupa ang dalawang magkalabang angkan sa Sulu na ikinasawi ng apat katao na kinabibilangan ng isang pulis, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ang mga napaslang na sina Bebilyn Sayah, dalawang tinukoy sa mga alyas na Dad at Madul gayundin si PO1 Allad Lalihasan Sahi, miyembro ng Panglima Estino Municipal Police Station (MPS).
Nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga sugatang sina Abdu Sahibad, Mudar Kalil, Alkisar Hamsani, Nonjin Janna, Jinga Durang at Ritz Ammad.
Sa ulat ng Sulu Provincial Police Office (PPO), bandang alas-2:00 ng hapon noong Sabado nang sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng magkalabang angkan nina Makintan Juraim at Hadjiron Saribon sa Brgy. Lahing-Lahing, Omar ng lalawigan matapos na muling magkrus ang landas ng mga lider nila.
Sinasabing alitan sa teritoryo ng lupain ang ugat ng away ng naturang angkan na mortal na magkaaway.