Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 31 January 2013
Source: Abante tonite january 31 2012 (Armida Rico)
Isang turista na may sakit na polio ang nasakote sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon habang tangkang itatakas pabalik sa Amerika ang kalibre .22 magnum at 19 pirasong mga bala. Kinilala ang naaresto ng mga tauhan ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ruffy Biazon na isang Filipino-American national na si Esmael Bulatao, 59. Lumalabas na isinumiteng ulat nina NAIA District Commander Marlon Alameda at Assistant Chief and Investigation Customs police Byron Carbonell ng BOC Task Force React sa tanggapan ni Biazon na naganap ang insidente dakong alas-10:00 ng umaga sa departure area ng terminal 1. Si Bulatao ay dugong Pinoy ngunit may hawak na American passport dahil isa na itong American citizen at pabalik na sana ng Amerika na ang flight ay Korean Air dahil may stop-over ito sa Seoul, South Korea nang habang isinasalang ang mga bagahe nito sa X-ray machine, mapansin ng mga tauhan ni Biazon ang nakatagong isang kalibre .22 magnum at 19 pirasong mga bala. Dahil dito, agad pinigil si Bulatao at isinailalim sa berepikasyon kung may permit ang pagdadala nito ng baril at mga bala. Wala namang maipakitang legal na dokumento ang suspek at ikinatwiran pang nakalimutan lamang niyang tanggalin ang mga iyon. Hindi kinagat ng taga-Customs ang katwiran nito kaya agad itong inaresto at inilipat sa kustodiya ng Pasay City Police para sa imbestigasyon habang ihinahanda ang pagsasampa ng kasong illegal posssesion of fire arms at paglabag sa gun ban. |