Tulay sa Maguindanao pinasabugan ng BIFF – AFP

Injured Killed
0 0

Date: 09 July 2013
Source: Bombo Radyo

COTABATO CITY – Wasak ang kalahating bahagi ng Magaslong bridge na nasa Barangay Magaslong, Datu Piang, Maguindanao nang pasabugan ito ng dalawang malalakas na uri ng improvised explosive device (IED) dakong alas-11:30 kagabi.
 
Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division spokesman Col. Dickson Hermoso, ang pangyayari ay kagagawan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
 
Ang dalawang IED ay inilagay umano ng mga rebelde sa ilalim ng tulay at saka pinasabog.
 
Sa ngayon maliliit lamang na sasakyan ang pwedeng dumaan sa tulay at bawal ang mabibigat at malalaking behikulo.
 
Nananatiling nasa heightened alert ang militar at pulisya sa Maguindanao at North Cotabato sa posibleng surpresang pananalakay ng BIFF.
 
Nitong lamang nakaraang Sabado ay sumiklab ang labanan ng magkabilang panig kung may anim na patay sa panig ng militar habang sinasabing umaabot sa 80 naman sa BIFF.
 
Ang bagay na ito ay itinanggi ng spokesman ng BIFF sa Bombo Radyo. (Bombo Garry Fuerzas)