Tsinoy, binaril-patay sa Agusan del Sur

Injured Killed
0 1

Date: 18 February 2013
Source: Bombo Radyo

BUTUAN CITY – Binaril-patay ng hindi pa kilalang suspek ang isang Filipino-Chinese na freelance wood marketing agent ng Wood Station Corporation, nakabase sa Purok 5, Brgy. San Ignacio, bayan ng Trento, Agusan del Sur.

Kinilala ng otoridad ang biktima na si Roy Sze, 42, may asawa at residente ng Tagum City.

Sa imbestigasyon ng Trento Municipal Police Station patungo umano si Sze sa kaniyang nakaparadang sasakyan sa gilid ng daan nang ito’y pagbabarilin ng dalawang salarin sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Narekober ng mga tauhan ng SOCO-Agusan Sur sa crime scene ang 12 empty shells ng caliber 9mm pistol, 13 empty shells ng caliber .45 pistol, 2 deformed bullets ng hindi pa malamang kalibre ng armas at dalawang deformed bullets ng caliber 9mm pistol.

Ayon sa report, nagtrabaho noon ang biktima sa isang wood manufacturing company na nakabase sa Compostella Valley kung kaya’t inalam pa ngayon ng binuong Special Investigation Task Group “Sze” at mga tauhan ng Agusan del Sur Police Provincial Office kung may koneksyon ang kanyang trabaho sa nasabing pamamaril.