Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 27 September 2013
Source: Bombo Radyo
(Update) ROXAS CITY – Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya sa nangyaring panununog ng truck ng mga pinaghihinalaang kasapi ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Gibato, Dumarao, Capiz.
Inihayag ni SPO3 Tobias Garsin, imbestigador ng Dumarao police station, anim na mga nagpakilalang NPA na armado ng armalite ang itinuturong nasa likod ng panununog ng truck na may sakay ng 10 katao na bibili sana ng palay sa San Rafael, Iloilo.
Ayon kay Garsin, hinarang ang truck habang nasa Sitio Cagay sa Barangay Rizal, Barotac Viejo.
Inagaw ng isa sa mga suspek ang manibela hanggang sa makarating sa bayan ng Dumarao.
Nakasuot umano ang mga suspek ng T-shirt na uniporme ng Philippine National Police.
Sinabi pa ni Garsin, pinababa lamang ang mga sakay ng truck nang ito’y mabaon sa putik.
Nagulat na lamang ang mga biktima nang makitang nasusunog na ang truck habang sila ay dinala sa kawayanan at pinagtatanong ng grupo.