Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 03 April 2013
Source: Bombo Radyo
CAGAYAN DE ORO CITY – Nahuli na ng pulisya ang sinasabing triggerman sa tangkang pagpatay kay Bombo James Licuanan noong taong 2011 sa may Ebarle-Capt. Vicente Roa Street sa syudad ng Cagayan de Oro.
Kinikilala ang suspek na Wenceslao Diaz Y Mahina, 40, nakatira sa Ozamis City at miyembro ng tinaguriang batang Mindanao (BM29).
Nahuli si Diaz sa pamamagitan ng drug buy bust operation kaninang madaling araw sa may Vamenta Boulevard, Barangay Carmen sa lungsod.
May pending din na warrant of arrest ang suspek sa kasong frustrated murder.
Nakuha sa pag-iingat ni Diaz ang 1/4 na gramo ng pinaghihinalaang shabu.
Sa interview ng Bombo Radyo CDO sa suspek, pinasinungalingan nito ang akusasyon na siya ang bumaril kay Bombo James.
Iginiit nito na wala siyang kinalaman sa krimen na ibinibentang sa kaniya dahil nagtatrabaho siya sa Metro Manila nang mangyari ang krimen.
Una rito, noong ika-21 ng Nobyembre 2011 matapos ang kaniyang “Zona Libre” program, binaril ng dalawang suspek na nakasakay sa motorsiklo si Licuanan kung saan tinamaan ang kaniyang puwetan at lumabas ang bala sa kaniyang tiyan.