Injured | Killed |
---|---|
1 | 0 |
Date: 13 April 2013
Source: Bombo Radyo
NAGA CITY – Pinaghahanap pa ngayon ng mga otoridad sa Quezon Province ang dalawang suspek na nasa likod ng pananaksak at pagnanakaw sa isang tricycle driver.
Batay sa impormasyon, namamasada ang biktimang si Jeffrey Sangalang, 22, ng Barangay Sampaloc, bayan ng Sariaya nang parahin siya ng dalawang lalaki.
Nagkunwaring pasahero ang mga ito at nang makalayo-layo, bigla na lamang nagdeklara ng holdap.
Hindi pa nakuntento ang mga suspek at sinaksak si Sangalang sa likod at tinangay ang kanyang tricycle.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek habang nagpapagaling pa ang biktima.