Tinodas ni bayaw

Injured Killed
0 1

Date: 24 January 2013
Source: Abante on-line; THURSDAY, January 24, 2013

TALAVERA, Nueva Ecija –— Tatlong tama ng bala ang tinamo ng isang 47-anyos na negosyante sa kamay ng sariling ba­yaw noong Martes ng gabi sa Bgy. La Torre sa ba­yang ito.


Sa ulat na isinumite ni P/Supt. Nicasio Malazzab sa tanggapan ni P/Sr. Supt. Crizaldo Nieves, Nueva Ecija police director, nakilala ang biktima na si Arnel Garcia Torres, na namatay noon din sanhi ng tatlong tama ng bala ng baril sa katawan.


Nabatid kay PO2 Marvin Verde na dakong alas-8:30 ng gabi ay dumating na naka-tricycle sina Noli Valdez Romero, 39, at Augusto De Vera Samoy, 35, mga residente ng Bgy. Balante, Science City of Muñoz, sa tapat ng tahanan ni Torres.


Siya namang sumulpot si Samuel Arcega Calusa, 38, at kaagad na pinagbabaril ang biktima, saka tumakas. (Jojo de Guzman)