Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 01 May 2013
Source: DZMM ABS CBN
Patay ang isang babaeng tindera ng prutas matapos pagbabarilin sa Baseco Extension, Port Area, Maynila kagabi.
Kinilala ng Manila Police District (MPD) Homicide Section ang biktima na si Jennylyn Senarillo, 36-anyos.
Kwento ng live-in-partner ng biktima na si Renato Canelieda, nag-aayos si Senarillo ng mga panindang prutas nang lapitan siya ng isang lalaki saka pagbabarilin.
Nagtamo ang biktima ng tatlong tama ng baril sa kanyang leeg at bibig na naging dahilan ng kanyang kamatayan.
Palaisipan kung sino ang may gawa ng krimen dahil wala naman umanong kaalitan ang biktima.
Narekober ang ilang mga basyo ng bala ng kalibre 45 na baril mula sa crime scene habang patuloy ang imbestigasyon sa pagkakakilanlan ng suspek at motibo sa pamamaril. Report from Jake Morales, Radyo Patrol