Tindahan binomba

Injured Killed
0 0

Date: 24 June 2013
Source: Pilipino Star Ngayon

KABACAN, North Cotabato , Philippines   – Isa ang napaulat na sugatan sa pagsabog ng Improvised Explosive Device sa harap ng Laira Marketing sa kahabaan ng national highway sa Barangay Poblacion, bayan ng Kabacan, Cotabato kamakalawa ng gabi. Sa spot report ng Kabacan PNP, itinanim ang nasabing bomba sa drainage ng highway sa direksyon ng Barangay Sinamar 2. Dahil sa lakas ng pagsabog, nawasak ang ilang paninda sa nabanggit na establisimyento habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng nasugatang sibilyan. Narekober sa blast site ang fragmentations ng bomba habang patuloy naman ang imbestigasyon.