Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 27 January 2013
Source: Bombo radyo. Last Updated on Saturday, 26 January 2013 13:41 Saturday, 26 January 2013 13:38
DAGUPAN CITY – Ang nangyaring paghahain ng annulment case laban sa kanyang mister ang isa sa tinututukang motibo ng kapulisan sa pagpatay sa gurong si Myra Pereras, 36, sa bayan ng Malasiqui, sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay P/Supt. Marlon Canam, chief of police ng Malasiqui PNP, napag-alaman nila na naghain ng annulment case ang biktima sa korte sa lungsod ng San Carlos upang ipawalang bisa ang kasal nila ng kanyang mister.
Sa ngayon patuloy silang nagsasagawa ng imbestigasyon upang makakuha ng karagdagang mga impormasyon kaugnay sa naturang kaso.
Una rito, binaril ng riding-in-tandem suspek ang biktima kahapon habang pauwi na ito sa kanilang bahay.
Patuloy ding inaalam ng mga otoridad ang motibo sa pagpaslang naman sa negosyanteng si Jesus Nicolas na binaril ng hindi nakilalang suspek kagabi sa Barangay Asin East sa nabanggit ding bayan habang nagtitinda ito ng isda sa gilid ng kalsada.
Pinangunahan naman ni Pangasinan police director S/Supt. Marlou Chan ang isinagawang case conference kaugnay sa naturang mga kaso sa layong mabilis na maresolba.