Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 21 July 2013
Source: Bombo Radyo
BAGUIO CITY – Iniimbestigahan ngayon ng mga otoridad ang pagpatay sa isang taxi driver matapos itong pasukin at barilin ng hindi nakilalang suspek sa loob ng kanyang silid sa Magsaysay, Loakan Proper Baguio City, alas-2:00 kaninang madaling araw. Nakilala ang biktima na si Jessie “Boyet” Cardinio, 41, isang taxi driver, at mag-iisang buwan pa lamang na nangungupahan sa isang bahay sa nasabing lugar. Ayon sa mga otoridad, pasado alas-6:00 na ng umaga na ipinaalam ito sa pulisya ng isang testigo na nakasaksi sa pangyayari. Sinabi naman ng testigo na natakot ito nang makita niya ang pangyayari kaya nagsumbong lang ito sa mga otoridad nang magkaroon ito ng lakas ng loob. Nagtamo ang biktima ng tatlong bala ng baril sa kanyang likod, pero umabot sa apat na basyo ng bala ang narekober ng SOCO sa loob ng kanyang silid. Tumanggi naman ang pulisya na magbigay ng karagdagang detalye sa insidente dahil patuloy pa ang kanilang imbestigasyon.