Taxi driver, patay sa pananaksak sa Tandang Sora, QC

Injured Killed
0 1

Date: 13 January 2013
Source: By dzmm.com.ph | 07:04 AM 01/13/2013

http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Metro/Taxi_driver%2C_patay_sa_pananaksak_sa_Tandang_Sora%2C_QC.html

Patay ang isang taxi driver matapos pagsasaksakin sa kanto ng Del Nacia at Apo Ville street Barangay Tandang Sora, Quezon City.

Wala namang makitang identification document mula sa driver ng Ten Ten taxi, na may plakang UVM 180.

Batay sa mga testigo, nagparada pa ang naturang taxi sa lugar at dalawang lalaki ang mabilis na lumabas mula rito.

Hinihinalang hinoldap pa ang biktima bago patayin dahil nawawala ang kanyang wallet.

Narekober naman ng awtoridad ang kutsilyong ginamit sa pananaksak.

Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima at ang hot pursuit operations laban sa mga suspek. Report from Eric Dastas, Radyo Patrol