Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 26 February 2013
Source: Remate.ph
Tatay patay sa suwail na anak
Feb 26, 2013 12:40pm HKT
PATAY ang isang tatay matapos tarakan ng lasinggerong anak sa Valenzuela City Lunes ng gabi, Pebrero 25.
Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital si Matias Gabarda, 55-anyos, ng Dumlapi cmpd., Lawang Bato ng lungsod, dahil sa tinamong saksak sa dibdib.
Nadakip naman ang anak nitong si Gerry Gabarda, 22-anyos, ng nasabing lugar.
Sa ulat, dakong alas-7:50 ng gabi, umuwing lasing ang suspek na sinermunan ng nanay.
Minura ng suspek ang ina na narinig ng biktima na nakahiga na naging dahilan upang bumangon at kumprontahin ang papahigang anak.
Nabuwisit ang suspek sabay kuha ng patalim na nakalagay sa ilalim ng unan at inundayan ng saksak ang tatay.
Dinala sa VGH ang biktima habang nadakip ang suspek ng mga nagrespondeng pulis.