Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 21 April 2013
Source: Bombo Radyo
TACLOBAN CITY – Hinostage ang isang tatakbong kandidato sa pagkakonsehal habang nangangampanya ito sa Sitito Kasili-on, Brgy. Merkaduhay, Leyte.
Ayon kay S/Insp. Miguelito Bucadi, chief of police ng Tabon-tabon PNP, bandang alas-10:05 kagabi nang i-hostage si Konsehal Heide Besa, 40.
Nakatanggap ang mgha pulis ng tawag mula kay Brgy. Chairman Erlinda Jodilla ng Brgy. Mohon na may nagaganap na hostage-taking sa nasabing lugar.
Sinabi ni Bucadi agad silang nagresponde ngunit tahimik na ang area nang sila ay makarating.
Sa ngayon ay iniimbestigahan ng mga otoridad ang nasabing pangyayari matapos na mapag-alamang lasing umano ang suspect na kinilalang si Romeo Almerino nang mangyari ang insidente.