Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 11 June 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines – Pinatay sa saksak ang isang barangay tanod ng kanyang mga kalugar matapos rumisponde ang biktima sa isang kaguluhan sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang nasawi na si Juner Oclarit, 34, ng Virgo Drive, C-3 Road, Brgy. North Bay Boulevard South ng naturang lungsod.
Nakakulong naman si Jeffrey Barde, 20 habang nakatakas ang kapatid na si Johnny at magkapatid pa na sina Elaizar at Amor Bullos, pawang residente ng nasabing lugar.
Batay sa ulat ng Navotas City Police, naganap ang insidente dakong alas-9:00 ng gabi makaraang humingi ng tulong sa biktima ang isang Hostela Bulan dahil sa inaaaway ang biyenan nito nina Barde at Bullos.
Rumesponde ang biktima, subalit nang makita ng mga suspect ay sinalubong at pinagtulungan pagsasaksakin na naging dahilan upang isugod ito sa pagamutan pero hindi na ito umabot ng buhay.
Nadakip ng mga pulis si Barde habang nakatakas ang mga kasama nito.