Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 03 May 2013
Source: Bombo Radyo
LAOAG CITY – Naniniwala ang manager ng GMW Trans na may kinalaman ng nakaaway nitong Muslim sa tangkang pagsunog sa ilang units ng bus ng kanyang transportation company kamakailan lamang.
Matatandaang ang mga naturang bus units ay nakaparada sa isang motorpool sa Brgy. Buyon, Bacarra, Ilocos Norte nang tangkain ng isang grupo ng mga armadong kalalakihan na sunugin.
Ayon sa naging imbestigasyon ng PNP Bacarra, ilang galloon ng gasolina ang isinaboy ng mga suspek sa lupa at nagtanim din sila ng ilang improvised explosive device sa silong ng mga bus.
Ngunit dahil agad nakita ng ilang empleyado ang mga suspek at ang ginagawa ng mga ito ay nabigo ang tangkang pagsunog sa mga bus.