Tagayan ng magbayaw humantong sa patayan

Injured Killed
0 1

Date: 27 April 2013
Source: http://www.abante-tonite.com/issue/apr2713/crime_story02.htm

 

Nasawi ang isang 25-anyos na binata makaraang pagsasaksakin ng kanyang bayaw nang maungkat umano ang kanilang dating alitan habang nag-iinuman kahapon ng hatinggabi sa ParaƱaque City.

Hindi na umabot nang buhay sa Florencio V. Bernabe Sr. Memorial Hospital ang biktimang si Jimmy Ybot, walang trabaho, sanhi ng tatlong saksak sa dibdib at sa likod.

Mabilis namang tumakas ang suspek na nakilalang si Anastacio Avila, 36, asawa ng nakatatandang kapatid na babae ng biktima, walang trabaho at residente ng No. 76 Ilang-ilang St., Bernabe Phase 2 Subdivision, Brgy. San Dionisio, ParaƱaque.

Alas-12:30 umano ng hatinggabi nang mangyari ang pamamaslang sa biktima sa loob ng bahay ng kanyang bayaw. 

Lumalabas sa report bumisita lamang si Ybot sa kanyang ate na si Ju­liet Avila, misis naman ng suspek, at nag-inuman ang magbayaw subalit nang malasing ay nagkaungkatan sa matagal nilang alitan hanggang sa magkainitan ang mga ito. 

Sa pahayag ni Juliet, tinangka niyang pumagit­na at umawat sa dalawa subalit wala siyang nagawa nang makakuha ng patalim ang kanyang mister at sunud-sunod na pinagsasaksak ang biktima.

Nagawa pang isugod ni Julie ang kanyang kapatid sa nasabing pagamu­tan subalit hindi na ito uma­bot nang buhay.