Suspek sa pagpatay sa mag-ina hirap matukoy dahil sa bulag na testigo

Injured Killed
0 2

Date: 03 May 2013
Source: Bombo Radyo

(Update) LEGAZPI CITY – Pahirapan ngayon ang mga otoridad sa pagtukoy sa suspek sa pagpaslang sa mag-ina sa Polangui, Albay.

Kinilala ang mga biktima na sina Salvacion Caranza at anak nitong si Christian Caranza, 15, at residente ng Barangay Gabon ng nasabing bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay S/Insp. John Retumban, hepe ng Polangui Municipal Police Station, sinabi nito na naliligo na sa sariling dugo dahil sa tadtad ng saksak sa katawan ang mga bangkay ng biktima nang kanilang matagpuan sa mismong bahay nito dakong alas-8:30 ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alaman na pinasok ang bahay ng mga biktima at saka isinagawa ang krimen.

Ayon kay Retumban, isang bulag ang nasa pinangyarihan ng insidente na kasama ng mga biktima.

Umaasa ang mga otoridad na makakatulong ang mga impormasyon na maibibigay ng nasabing witness sa pagturo ng suspek sa krimen.