Suspek sa pag-rape sa 14-anyos na dalagita huli sa Zamboanga del Norte

Injured Killed
1 0

Date: 11 June 2013
Source: Bombo Radyo

ZAMBOANGA CITY – Personal na humingi ng tulong sa istasyon ng pulisya ang magulang ng 14-anyos dalagita makaraang madiskubre ang panggagahasa dito ng isang 18-anyos binata sa Sitio Tambad, Barangay Upper Disakan, Manukan, Zamboanga del Norte.

 

Sa follow-up operation ng tropa ng Manukan municipal police station, naaresto ang suspek na kinilalang si Junel Vega Daque ‘alyas Budyot’ residente ng nasabing barangay.

 

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, pasado alas-10:00 ng gabi habang pauwi na sana sa kanilang bahay ang dalagita galing sa panonood ng TV sa kanilang kapitbahay nang harangin ng suspek.

 

Puwersahan umanong dinala ng suspek ang biktima sa isang kubling lugar sa may palayan at doon ginawa ang panggagahasa sa biktima.

 

Nang malaman ng mga magulang ng dalagita ang pangyayari, isinugod ito sa ospital kung saan lumalabas umano sa medical examination nito na positibo siyang ginahasa.

 

Kasalukuyang naka-detain ngayon sa selda ng pulisya ang suspek at inaasahang isasailalim sa inquest proceedings sa kasong rape na isasampa laban sa kanya sa korte. (MRDS)