Suspek sa pag-rape sa 11-anyos, arestado

Injured Killed
1 0

Date: 31 March 2013
Source: Bombo Radyo

GENERAL SANTOS CITY – Sa kulungan ang bagsak ng isang suspek sa panggagahasa matapos naaresto ng mga otoridad.

Kinilala ito na si Eddie Dizon, may asawa, isang caretaker ng mga hayop at residente ng Klinan 5, Barangay Mabuhay sa lungsod ng GenSan.

Inamin nito na tinangkang gahasain ng dalawang beses ang biktima at pinalaruan ang ari nito matapos na kanyang binigyan ng P20 ang bata.

Isinumbong umano siya ng biktima sa kanyang ina kaya’t isinuplong sa pulisya.
Sinampahan na rin ito ng kasong rape.

Bagaman humingi na ng tawad ay tuloy pa rin ang pagsasampa ng kaso ng mga magulang ng biktima laban sa suspek.