Suspek na nagmasaker sa mag-ina sa Aklan, sumuko na

Injured Killed
0 2

Date: 29 September 2013
Source: Bombo Radyo

KALIBO, AKLAN – Sumuko na sa mga otoridad ang suspek na nagmasaker sa kanyang kapit-bahay na mag-ina sa Brgy. Tigayon, Kalibo, Aklan kung saan brutal na pinatay nito ang mga biktima.

 

Nasa kustodiya na ngayon ng Kalibo PNP Station ang suspek na si Michael Diangson, 39, na umamin sa kanyang tiyahin na siya ang pumatay sa mag-inang Emily Ruzgal, 45, at anak nito na si John Carlo Ruzgal, 16, na pawang mga residente ng naturang lugar.

 

Kinumpirma ng suspek na dahil sa malaking galit sa padre de pamilya ang naging mitsa upang patayin ang misis nito na si Emily sa pamamagitan ng pagsakal gamit ang ng computer cord at ginilitan ang kanyang leeg.

 

Samantalang ang anak na si John Carlo ay wasak ang bungo matapos hampasin ng paddle ang ulo ng makailang ulit at sinaksak pa ng apat na beses ang kaniyang leeg.

 

Hindi raw nagustuhan ni Diangson ang pang-iinsulto sa kaniya ng padre de pamilya kung saan tinutukan umano siya nito ng baril at pinagsabihan na kayang bilhin ang kaniyang buhay.

 

Napag-alaman na ang padre de pamilya at panganay sa dalawang anak ng mag-asawa ay nagtatrabaho bilang seaman.

 

Lagi rin umano siyang pinapahiya ni John Carlo kapag sila ay magkasalubong dahil sa kanyang kapansanan na isang polio victim.

 

Idenetalye rin nito kung paano siyang nakapasok sa bahay ng mga biktima.

 

Bukas umano ang gate dahilan na pumasok siya rito dakong alas-4:00 ng madaling araw at binantayan ang paglabas ng babae sa main door.

 

Nang makapasok ay ginawa niya ang brutal na pagpatay sa mag-ina dahil sa sobrang galit.