Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 21 April 2013
Source: http://www.abante.com.ph/issue/apr2113/luzon03.htm#.UXONFrVvCC0
Pinasok sa bahay at binaril kahapon ng umaga ang isang tagasuporta ng isang pari na kumakandidato sa pagka-gobernador sa bayan ng Placer, Masbate.
Ayon kay Sr. Supt. Herberto Olitoquite, director ng Masbate Police, ang biktima ay kinilalang si Charles Cortes.
Si Cortes ay isinugod sa Masbate Provincial Hospital kung saan siya ay nagpapagaling na mula sa isang tama ng bala sa kanyang likod.
Kinumpirma naman ni Fr. Leo Casas, Liberal Party (LP) candidate, na si Cortes ay kanyang campaign coordinator sa nabanggit na bayan.
Sa imbestigasyon, dakong alas-6:30 ng umaga nang pasukin ng hindi pa malamang bilang ng mga suspek ang tahanan ni Cortes at siya ay binaril sa Bgy. Katipunan sa nabanggit na bayan.