Sundalong casualties sa ambush ng NPA sa Kalinga, kinilala ng PNP

Injured Killed
6 2

Date: 09 May 2013
Source: Bombo Radyo

Tinukoy na ng pambansang pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawang sundalong nasawi habang anim na iba pang mga kasamahan ng mga ito na nasugatan sa insidente ng pananambang ng NPA kaninang umaga sa Tabuk, Kalinga.

 

Kinilala ni S/Supt. Froilan Perez, Director ng Kalinga Provincial Police Office, ang dalawang sundalong nasawi sa ambush na sina CPL Wilfredo Bacacao at CPL Allen Pattaguan.Habang ang mga sugatan ay nakilalang sina : 1. Pfc. Delfin Goyagoy 2. Ssgt. Rico Delacuesta 3. Sgt. Wayne Aguinaldo 4. Tsgt. Herm inigildo Vergara 5. Tsgt. Constante Alupani 6. Ssgt. Michael Adducul, pawang mga kasapi ng Bravo company ng 17th Infantry Battalion ng Philippine Army.

 

Ayon kay Perez, sa ngayon ay nagsasagawa ng mas pinaigting na checkpoints ang kanilang quick reaction force sa hinalang mayroon sa mga kalaban ang nasugatan.

 

Gayunpaman, limitado na umano ang kanilang pwersa dahil naka deploy na lahat sa polling centers ang karamihan sa mga pulis dahil bukas na isasagawa ang final testing ng PCOS machines sa polling centers sa Kalinga.

 

Alas-9:30 kaninang umaga nang tambangan ng mga rebelde ang convoy ng mga sundalo, pulis at comelec officers habang ibina biyahe ang mga PCOS machine at iba pang election paraphernalias sa Sitio Patiking, Brgy. Bagumbayan, Tabuk, City, Kalinga.