Sundalong bihag ng NPA sa Agusan del Sur, pinalaya

Injured Killed
1 0

Date: 30 September 2013
Source: Bombo Radyo

BUTUAN CITY – Tuluyan nang pinalaya ng New People’s Army (NPA)-Front Committee 88 ang hawak nitong prisoner of war (POW) na si Cpl. Salman Abbas.

 

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan kay Cpl. Abbas, sinabi nitong sa buong panahong hawak siya ng NPA, maganda ang pakikitungo ng mga ito sa kanya at hindi siya sinaktan kung kaya’t nagpapasalamat siya sa naturang grupo.

 

Nagpasalamat din ito sa lahat ng gumawa ng paraan upang mapalaya siya mula sa pagkakabihag, lalo na sa lokal na pamahalaan ng San Luis, Agusan del Sur, sa pangunguna ni Mayor Ronaldo Corvera.

 

Napag-alamang in-abduct si Abbas noong Agosto 8, 2013 sa isinagawang checkpoint ng NPA sa Km. 25, Barangay Mahayahay, sakop ng naturang lungsod.

 

Hindi naman masukat ang kaligayahan ng pamilya ng binihag na militar.

 

Sa isinagawang programa para sa pormal na pagpapalaya kay Abbas, emosyunal na ipinahayag ng misis nito ang kanyang pagpapasalamat sa grupong bumihag sa kanyang mister dahil sa desisyon nitong pakawalan na ito.

 

Sa ngayon, wala pa umanong malinaw na plano ang mag-asawa kung babalik pa sa serbisyo militar ang pinakawalang POW.