Sundalo sa Agusan del Sur napatay ng kasamahang Cafgu

Injured Killed
0 1

Date: 08 August 2013
Source: Bombo Radyo

BUTUAN CITY – Nagpapatuloy ang pursuit operation ng pulisya sa bayan ng Sibagat, Agusan del Sur laban sa Cafgu member na nakabaril-patay sa kanyang kasamahang sundalo at isang Cafgu member pa ang sugatan. 
 
Nakilala ang suspek na si Richard Luminday, residente ng Bayugan City habang ang namatay namang sundalo ay si Staff Sgt. Rustom Selda, residente ng Brgy. San Vicente sa nasbaing bayan at nadestino sa Training Base ng 23rd Infantry Battalion, Philippine Army na nakabase sa Purok 12, Brgy. Poblacion, residente ng nasabi ring bayan. 
 
Ayon kay Sibagat Municipal Police Station commander P/Insp. Gerry Fernandez, kinakalabit umano ng suspek ang safety pin ng kanyang garand rifle kung kaya’t hinamon siya ng kasamahang CAFGU member na si Jolie Iligan. 
 
Nang nagkainitan na ay inawat sila ni Selda na binaril ng suspek sa noon sanhi ng kanyang agarang pagkamatay at isinunod si Iligan na natamaan naman sa kanyang leeg at likod at nagpapagamot ngayon sa Butuan City Medical Center. 
 
Dali namang tumakas ang suspek matapos ang insidente.