Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 30 November 2013
Source: Bombo Radyo
LEGAZPI CITY – Patuloy ngayon ang isinasawagang hot pursuit operation ng militar sa bulubunduking bahagi ng Barangay Marcella, Uson, sa lalawigan ng Masbate.
Kaugnay ito nang nangyaring pananambang kaninang umaga sa isang sundalo na miyembro ng 93rd brigade na nakabase sa lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay 903rd Brigade commander Col. Joselito Kakilala, sinabi nito na nasa biyahe ang hindi muna pinangalanang sundalo bandang alas-6:30 ng umaga kanina para sa tinatawag na “procure food provision” sa kanyang unit nang tambangan ito ng apat na miyembro ng tinaguriang SPARU unit ng New People’s Army (NPA) sa lalawigan.
Nagtamo ng tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang sundalo habang agad naman na tumakas ang mga NPA.
Sa ngayon, nananatili pa sa kanilang unit sa Uson ang katawan ng biktima habang hinihintay na maibiyahe pabalik sa kanyang pamilya.
–
–