Injured | Killed |
---|---|
3 | 1 |
Date: 13 May 2013
Source: Bombo Radyo
BACOLOD CITY – Killed in action ang isang sundalo habang isa naman ang sugatan sa nangyaring sagupaan sa pagitan ng militar at rebeldeng New People’s Army sa Negros Oriental.
Ito ang kinumpirma ni Col. Francisco Patrimonio, ang commander ng 302nd Infantry Brigade ng Philippine Army matapos nakasagupa ng tropa ng 79th IB na nagpapatrolya, ang may 30 kasapi ng mga rebelde sa Brgy. Milagrosa, Brgy. Catalina dakong alas 11:30 kaninang tanghali.
Dalawa naman sa grupo ng mga rebelde ang nakitang sugatan sa naturang sagupaan.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang backpack na may bakas ng dugo at ilang kagamitan ng mga rebelde.
Kaagad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang militar laban sa mga nakatakas na NPA at ito ay nagpapatuloy hanggang ngayon.