Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 29 September 2013
Source: Bombo Radyo
DAVAO CITY – Patay ang isang sundalo matapos ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng tropa ng gobyerno at rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Sitio Tanawan, Brgy Malinawon, Mawab, Compostela Valley province kaninang alas-8:00 ng umaga.
Kinilala ang nasawi na si Cpl Wahid E Saijili ng 72nd Infantry Battalion ng Philippine Army.
Ayon sa impormasyon, nagpapatrolya lamang ang sundalo na pinangunahan ni S/Sgt Edilberto Grumo, nang mangyari ang barilan sa mga armadong NPA.
Patuloy pa rin ngayon ang hot pursuit operation ng otoridad sa mga tumakas na NPA.