Injured | Killed |
---|---|
6 | 1 |
Date: 03 October 2013
Source: Bombo Radyo
(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Isang sundalo ang nalagas habang umakyat na sa anim ang sugatan sa nangyaring panibagong engkuwentro sa pagitan ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Brgy Banglay, Lagonglong, Misamis Oriental.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cagayan de Oro, kinilala ni 4th ID spokesperson Capt Christian Uy ang killed in action na sundalo na si Pfc Ellan Ramones na kasalukuyang naka-detail sa 403rd Infantry Battalion na nakabase sa Bukidnon.
Ayon kay Uy, kabilang din sa mga sugatan na naka-confine sa Camp Evangelista Station Hospital ay ang team leader na si Cpl Julius Agusan kasama sina Pfc Jose Noli Babingquil, Cris Lorenzo, Dioscoro Briones Jr., Joeffrey Purisima at Jonard Eborde.
Sinabi ni Uy, ang engkuwentro ay resulta sa patuloy na paglunsad nila ng pursuit operation laban sa tinatayang 50 hanggang 60 rebelde na responsable sa pag-atake sa Army detachment na nakabase sa Sitio Lantad, Brgy Kibanban, Balingasag sa lalawigan.
Nilinaw naman ng opisyal na ang nasabing mga sundalo ay nasa ligtas na ang kalagayan.
Aniya, maaaring may casualty rin sa mga tumakas na rebelde dahil sa mga naiwang bakas ng dugo sa mismong encounter site.
Una nang iniulat ni Uy sa Bombo Radyo na mayroon nangyaring engkuwentro sa pagitan ng kanilang tropa at sa tinatayang 10 rebelde noong Setyembre 30 kung saan apat na sundalo ang tinamaan.
Napag-alaman na una nang ipinag-utos din ni 4th ID commanding officer Brig Gen Ricardo Visaya ang “relentless pursuit operation” matapos masawi ang limang sundalo nang inatake ng mga rebelde ang Army detachment sa bayan ng Balingasag noong Setyembre 22.