Injured | Killed |
---|---|
1 | 3 |
Date: 30 November 2013
Source: Bombo Radyo
CAUAYAN CITY, Isabela – Patay ang isang sundalo habang tatlo pa ang sugatan sa naganap na labanan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga kasapi ng New People’s Army (NPA) sa lalawigan ng Kalinga.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nagsasagawa ng bayanihan patrol kaninang tanghali ang mga kasapi ng 17th Infantry Battalion nang bigla silang paputukan ng hindi malamang bilang ng mga NPA sa Brgy. Maling, Balbalan, Kalinga.
Sinasabing isa ang killed in action at tatlo ang sugatan sa mga sundalo habang hindi pa malaman kung may nalagas sa panig ng mga rebelde.
Hindi pa ipinapalabas ang pangalan ng namatay at mga sugatan para ipaalam muna sa kanilang mga pamilya.
Samantala, patuloy pa rin naman ang clearing operations ng mga sundalo sa pinangyarihan ng engkuwentro.
–