Sundalo patay, 1 pa sugatan sa ambush sa Basilan

Injured Killed
1 1

Date: 28 April 2013
Source: Bombo Radyo

Patay ang isang miyembro ng Philippine Army (PA) habang sugatan ang isa pa nang tambangan ng mga na hindi nakilalang armadong katao ngayong hapon lamang sa may bahagi ng Barangay Ubit sa siyudad ng Lamitan sa probinsya ng Basilan.

Sa report na nakuha ng Bombo Radyo, sakay ang dalawang sundalo ng kanilang sasakyan na kapwa nakatalaga sa 32nd Infantry Battalion sa Lamitan nang paulanan ng bala.

Ayon sa report, patay on the spot ang isang sundalo habang nasa kritikal na kondisyon ang isa na kasalukuyang ginagamot na sa isa sa mga ospital sa probinsya.

Samantala, ipinag-utos ni 1st Infantry Division Commander B/Gen. Daniel Lucero na tugisin ang mga responsable sa ambush.

Tinutukoy pa sa ngayon ng Lamitan PNP ang motibo sa pananambang sa dalawang sundalo.