Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 21 October 2013
Source: Bombo Radyo
ZAMBOANGA CITY – Nadiskubreng wala ng buhay ang isang sundalo habang nagpapahinga sa kanilang temporary base sa isang bahagi ng Sta. Catalina sa Zamboanga City, ang isa sa mga lugar na kabilang pa rin sa mga critical areas kasunod ng pag-atake ng mga armadong miyembro ng Misuari faction ng MNLF noong September 9.
Kinilala ang sundalo na si Sgt Sherwin Gubot, naka-assign sa 3rd platoon, Bravo company, 9th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army (PA).
Si Gubot ay kasama sa mga tropa ng mga sundalo na ipinadala sa lungsod at nakipagbakbakan sa mga armadong rebelde na umatake at sinakop ang ilang barangay ng lungsod.
Ayon sa dalawang kasamahan ni Gubot na sina Cpl Jomar Lamud at si Sgt Ricardo Romero, pasado alas-2:00 ng madaling araw nang mapansin nilang hindi na humihinga ang kanilang kasama.
Itinakbo ito sa Camp Navarro General Hospital sa loob ng Western Mindanao Command (WetMinCom) sa may Upper Calarian sa lungsod pero ideniklara na rin siyang dead on arrival ng mga doktor.
Kasalukuyang nananatili ngayon ang labi ni Gubot sa St. Peter Funeral Homes sa Barangay Boalan ng lungsod.
Hindi pa malinaw na sanhi ng pagkamatay ng biktima, inirekomenda ng Criminal Investigation and Detective Management (CIDM) Unit ng investigation Zamboanga City police office (ZCPO) na isailalim sa autopsy examination ang cadaver nito para matukoy ang tunay na dahilan ng biglaang pagkamatay nito. (MRDS)