Injured | Killed |
---|---|
3 | 0 |
Date: 30 September 2013
Source: Bombo Radyo
CAGAYAN DE ORO CITY – Nasa mabuting kalagayan na ang isang sundalo at dalawang Cafgu members na nasugatan matapos inatake ng mga NPA ang detachment sa Sitio Lantad, Brgy. Kibanban, Balingasag.
Sugatan sa nasabing engkwentro sila si Sgt. Ricarte Lumoyod, assistant detachment commander, Sonny Sandayon at Jonathan Bustillo.
Kinumpirma ni 4th ID spokesman Army Capt. Christian Uy, na patuloy na ginagamot ngayon sa loob ng Camp Evangelista Station Hospital ang mga nasugatang Cafgu at sundalo.
Pinasinungalingan din ng militar ang report na hinostage ng mga rebelde ang anim na mga miyembro ng Cafgu.