Spokesperson ng Boracay Ati community, patay sa pamamaril

Injured Killed
0 1

Date: 23 February 2013
Source: Bombo radyo feb 23, 2013

Spokesperson ng Boracay Ati community, pinatay

ShareThis

KALIBO, Aklan – Patay ang tagapagsalita ng Boracay Ati Tribal Organization (BATO) matapos itong barilin hanggang sa mamatay kagabi sa isla ng Boracay.

Ang biktima ay kinilalang si Dexter Condez, 26, residente ng Manoc-Manoc, Boracay na nagtamo ng multiple gunshot wounds.

Base sa inisyal na impormasyon na nakalap ngBombo Radyo Kalibo, pauwi na ang biktima mula sa isang meeting sa Brgy. Balabag nang mangyari ang insidente.

Napag-alaman din na habang naglalakad ang biktima ay parang may sumusunod sa likod nito at bigla na lang siyang binaril.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang limang basyo ng bala ng hindi pa natutukoy na kalibre ng baril.

Ayon naman sa ilang residente malapit sa area ng insidente, walong putok ng baril ang kanilang narinig.

Pinaniniwalaang ang motibo sa pagpatay sa biktima ay dahil sa land dispute.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng Boracay PNP para sa pagkakakilanlan ng salarin.