Snatcher todas sa biniktima

Injured Killed
0 1

Date: 21 April 2013
Source: http://www.remate.ph/2013/04/snatcher-todas-sa-biniktima/

 

PATAY ang isang 30 anyos na miyembro ng Bahala na Gang matapos barilin ng di nakilalang  suspek  kagabi na kanyang hinablutan ng kwintas sa Sampaloc, Maynila.

Namatay noon din  ang biktimang  si Renato Sanchez, may-asawa, cigarette vendor,  ng 17 Isarog St., Quezon City.

Sa report ni Ronald Gallo, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 8:15  ng gabi nang maganap ang insidnete sa loob mismo ng pampasaherong dyip.

Una rito, hinablot umano ng biktima ang kwintas ng suspek sa Quiapo  at agad na sumakay ng dyip na may rutang  Dapitan-Quiapo.

Agad namang sumakay din ng dyip ang suspek at inabutan ang dyip na sinakyan ng biktima sa Laon Laan St., panulukan ng Gelino  St., Sampaloc, Maynila.

Dito, hinarang  ng suspek ang dyip  na sinakyan ng biktima  at saka  nilapitan  at sinabihan umano ng una ang huli na ibalik ang  kwintas na kanyang kinuha.

Agad namang inilabas  ng  biktima mula sa kanyang bulsa ang nasabing alahas  at ibinigay sa suspek.

Matapos maibigay ni Sanchez ang alahas sa suspek  ay inatasan naman ng huli ang apat pang pasahero na bumaba na ng dyip upang hindi na madamay pa .

Dito, bumunot na ng di mabatid na kalibre ng baril ang suspek at ipinutok sa ibat-ibang parte ng katawan ng biktima dahilan upang bumagsak ito sa passenger seat.

Agad namang tumakas ang suspek dala ang baril na ginamit patungo sa direksyon ng Lacson St.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente habang inaalama din ang pagkailanlan ng ssupek.