Sinita sa Pag-ihi, Pumatay

Injured Killed
1 1

Date: 27 February 2013
Source: http://www.abante.com.ph/issue/feb2713/crimes01.htm

 

Nagbuwis ng buhay ang 47-anyos na pintor makaraang barilin ito ng suspek na umano’y nagalit matapos na sitahin lang ng kapatid ng nasawi, dahil sa pag-ihi ng suspek sa nakaparadang sasakyan sa tapat mismo ng bahay ng biktima sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Pasig City General Hospital sanhi ng tinamong tama ng punglo ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa kaliwang itaas na bahagi ng baga na tumagos sa kaliwang kilikili ang biktima na si Ricky Medina y Oriel, ng No.54 Phupa Compound, Urbano Velasco St., Bgy. Pinagbuhatan, ng nasabing lungsod.

Sugatan din sa insidente si Enrico Paras y Chua, 53, matapos tamaan ng ligaw na bala. Samantala tumakas naman ang suspek na si Ariel Nebriaga y Rebangcos, 30, ng Phupa Compound, sa nasabi ring lugar.

Sa report ng pulisya, alas-6:55 ng gabi nang makita ang suspek na umiihi sa nakaparadang sasakyan sa tapat ng bahay ng biktima.

Sinita umano ni Ronald Medina ang suspek hanggang magtalo ang dalawa. Ipinabarangay ng mga Medina si Nebriaga hanggang magkaayos ang mga ito.

Pag-uwi ng bahay ay naglabas umano ng baril si Nebriaga at pinagbabaril si Ricky Medina na ikinamatay ng huli, kung saan nahagip din ng bala si Paras.