Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 29 September 2013
Source: Bombo Radyo
Kaagad na inilipat sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isa pang suspek na sumuko kagabi, na sinasabing mastermind sa pagpatay sa advertising executive na si Kristelle “Kae” Davantes.
Ito’y matapos na boluntaryong sumuko kay Cavite Governor Juanito Victor Remulla ang suspek na si Jomar Pepito, 23.
Kaugnay nito, nasa dalawa hangang tatlong mga suspek na lamang ang pinaghahanap ng mga otoridad na sinasabing may kinalaman sa pagpatay kay Davantes.
Sa kabila nito, hindi pa rin maituturing na “case solve” na ang nasabing kaso para sa pulisya at maging sa pamilya ng dalaga.
Kaugnay nito, isinasapinal na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasagawa ng reenactment ngayong araw kaugnay sa detalye ng pagpatay kay Davantes.
Napag-alaman na kahapon ay sinampahan na rin ng kasong qualified theft at robbery with homicide si Pepito kasama ang iba pang suspek na sina Reggie Diel, Lloyd Benedict Enriquez, Samuel Decimo, Kelvin Jorek Evangelista, at Baser Minalang.
Si Decimo ay hawak na ng NBI habang sina Diel at Enriquez ay nasa kustodiya ng Southern Police District.