Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 30 September 2013
Source: Bombo Radyo
Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang lalaking sinasabing serial killer ng mga prostitute sa lungsod ng Maynila.
Kinilala ng Manila Police District (MPD) ang suspek na si Joseph Labrador na tubong Pangasinan.
Si Labrador ang itinuturong pumatay sa pickup girl sa loob ng isang motel sa Maynila noong Linggo ng madaling araw.
Papasakay na ng bus papuntang La Union ang suspek nang ito madakip ng mga pulis.
Base sa pahayag ng mga testigo, si Labrador ang huling kasama ng biktima na si Sheena Halili bago ito natagpuang hubo’t hubad sa loob ng comfort room ng kuwarto sa Carport Inn sa Sta. Cruz, Maynila.
Todo tanggi ang suspek sa mga akusasyong ibinabato laban sa kanya.