Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 16 February 2013
Source: Bombo radyo Saturday, 16 February 2013 00:12
LEGAZPI CITY – Hindi pa ngayon maditermina ng mga otoridad ang motibo sa pagpapasabog ng armadong kalalakihan sa isang simbahan sa Sorsogon.
Sa ulat, bandang alas 4:30 ng madaling araw ng tumambad kay pastor Francisco Gallor Fuga, 71, ang nagkalat at sira-sirang bahagi ng Presbyterian Church sa bahagi ng Barangay Poctol, Bulusan nasabing lalawigan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Bulusan Municipal Police Station, napag-alaman na dalawang armadong lalaking sakay ng motorsiklo ang dumaan sa nasabing simbahan sabay hagis ng granada.
Mabuti na lamang at walang nasugatan sa nasabing pagpapasabog.
Na-recover sa lugar ang pira-pirasong bahagi at safety pin ng isang hand grenade.