Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 26 May 2013
Source: Bombo Radyo
NAGA CITY – Pinatay ang isang sibilyan sa Barangay Del Rosario Camalig Albay ganap na alas-7:30 lang kaninang umaga.
Sa impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo Naga, kinilala ang biktima na si Ricky Nate na residente ng Barangay Cotmon sa bayan ng Camalig at paglalako ng isda ang hanapbuhay.
Ayon sa testigo, walang awang tinambangan ang biktima ng ilang unipormadong armadong kalalakihan.
Nabatid na una nang nagpa-blotter si Nate noong 2012 sa Barangay Del Rosario at Cotmon maging sa munisipyo ng Camalig dahil sa natanggap umano nitong panghaharas at pagbabanta sa kanyang buhay mula sa isang 1/Lt. Sason ng Charlie Coy 2nd IBPA na naka-base sa Barangay Alobo, Daraga, Albay.
Inakusahan umano ni Sason si Nate na may kaugnayan sa BHB.
Kaugnay ng insidente, agad nagpalabas ng pagkondena si Greg Bañares, ang tagapagsalita ng CPP–NPA-NDF Bicol ang pagpaslang sa biktima.