Shipping agencey pinasok ng 4 suspek; P80K natangay

Injured Killed
0 0

Date: 26 May 2013
Source: Bombo Radyo

CAGAYAN DE ORO CITY – Umabot sa halos P80,000 ang nalimas ng apat na armadong kalalakihan sa isang shipping agency sa Brgy. Macabalan sa syudad ng Cagayan de Oro ngayong gabi.

 

Ayon kay SPO4 Tim Balibay ng Macabalan police station, nakatakip ang mukha at nakahelmet ang mga suspek nang pumasok sa South Land Shipping agency na nakabase sa loob ng Trans Asia Building sa nasabing lugar.

 

Walang magawa ang dalawang cashier na sina Aid Cris Manatad at Henry Tago, kundi i-surrender ang kanilang maghapong kinita sa mga tulisan na bitbit ang caliber .38 at .45 na baril.

 

Kaagad na umalis ang mga suspek sa hindi matukoy na direksyon sakay ng dawalang XRM na motor na walang plaka.

 

Napag-alaman na nasira ang nakakabit na CCTV sa naturang shipping agency.

 

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang mahuli ang apat na salarin.