Injured | Killed |
---|---|
0 | 1 |
Date: 10 July 2013
Source: Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines – Napatay ang provincial sheriff makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat kahapon ng umaga. Sa phone interview, kinilala ni Sultan Kudarat PNP Director P/Senior Supt. Rex de la Rosa , ang biktima na si Sheriff Officer IV Edwin Cabug ng Isulan Regional Trial Court Branch 19 sa Sultan Kudarat. Sa police report na nakarating sa Camp Crame bandang alas-6:25 ng umaga habang nagwawalis ang biktima sa harapan ng kaniyang bakuran malapit sa highway ng Barangay Sampao nang lapitan at ratratin ng gunmen.