Injured | Killed |
---|---|
0 | 0 |
Date: 30 September 2013
Source: Bombo Radyo
LEGAZPI CITY – Patuloy ang hot pursuit operation ngayon ng mga otoridad kaugnay nang sunod-sunod na naitalang harassment ng grupo ng New People’s Army (NPA) sa Bicol.
Bandang alas-9:00 ng gabi, nang marinig na lamang pagpapaulan ng bala ng mga rebelde sa tropa ng Bravo Company at 31st Infantry Batallion Philippine Army sa pamumuno ni 1Lt. Willi Tatil sa bahagi ng Barangay Bayasong, Pilar Sorsogon.
Inabot din ng dalawa hanggang sa tatlong minuto ang pangha-harass ng mga NPA.
Samantala, sinundan din ito ng pangha-harass sa 1st platoon ng 22nd Infantry Batallion at 9th Infantry Division Philippine Army na nakabase sa Barangay Pong, Bulusan, sa nabanggit ding lalawigan na umabot sa halos 15 segundo.
Sa kabilang dako, sa lalawigan naman ng Albay, kinumpirma ni Lt. Col. Andrew Costelo, commander ng 2nd Infantry Battalion ng Philippine Army, na habang nasa kalagitnaan nang isinasagawang Community Development Caravan ang tropa ng Albay Police Provincial Office, Philippine Navy at mga sundalo sa bahagi ng Barangay Maninila, bayan ng Camalig, nang bigla na lamang paulanan ng bala ang govrnment forces mula sa hindi pa maditerminang bilang ng mga NPA.
Agad namang nailikas ang mga residente na nakilahok sa nasabing caaaaaravan.
Wala ring napaulat na may nasugatan o binawian ng buhay sa nasabing magkakasunod na pag-atake ng NPA.