Security ni Commissioner Biazon, namaril

Injured Killed
3 0

Date: 28 April 2013
Source: Bombo Radyo

Ligtas na sa kapahamakan ang tatlong bystanders na nakaalitan at nabaril ng security detail ni Customs Commissioner Ruffy Biazon kagabi.

Ayon kay Commissioner Biazon, nangyari ang insidente habang nasa kasagsagan ng political rally ang amang si Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon. 

Sa paunang imbestigasyon, nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo sa pagitan nina Marine Corporal Nelson Lubrid at tatlong iba na hanggang sa humantong sa pamamaril. 

Inatake umano ang nasabing sundalo at nagawa lamang ang pamamaril para idepensa ang sarili.

Kaagad na sumuko si Lubrid sa kanilang kampo sa Fort Bonifacio at iniimbestigahan na ngayon.

Nangako naman si Biazon na hindi nila pababayaan ang tatlong sugatan.